Showing posts with label Cardmon Hero. Show all posts
Showing posts with label Cardmon Hero. Show all posts

Tuesday, March 1, 2011

Aika Global and CardMon Hero Press Launch

Congratulations T3Fun!

Hehe. Iniisip ninyo kung bakit? Isa kasi ako sa mga pinalad na pinili upang makapunta sa kanilang kauna-unahang press launch. Nakasama ko ang ilan pa sa mga bloggers at ilang mamamahayag sa telebisyon at radyo. Nakilala ko rin ang ilan sa mga masugid na manlalaro ng Aika Global (isa pang laro ng T3Fun) na sina Fire at Finch.



Nakilala ko rin ang apat sa mga nasa likod ng Aika at CardMon, na nagpaliwanag at nagpresenta ng laro sa aming lahat. Marami akong nakilalang iba pang tao sa kanilang Press Launch. Tunay ngang kaya nilang magsama-sama ng iba't ibang tao sa iisang aktibidad.

Tumatak din sa isip ko ang tatlong "T" ng T3Fun: Trust, Time and Thoughts. Good luck at congratulations T3Fun! Susubukan ko na rin sigurong laruin ang Aika Global. :)

Wednesday, January 12, 2011

CardMon Hero sa SM Cyberzone

Meron akong magandang balita!

Ngayon ko lamang narinig na nagpapafree-play pala ang Redbana Philippines ng CardMon Hero sa iba't ibang SM Cyberzone. Sa mga hindi nakakaalam, ang free-play ay isa sa mga ginagawa ng mga kumpanya ng online games upang ipakilala ang kanilang mga laro.

Nabalitaan kong nagfree-play ng CardMon nitong nakaraang Disyembre sa SM Calamba Cyberzone at nitong nakaraang linggo lamang sa SM SouthMall (Las Pinas). Narinig kong magtutungo naman sila sa SM Marikina ngayong Enero.



Siguradong pupunta ako dun dahil malapit lang ako (Yup. Taga-Marikina ako.) :)
Kaya sa iba pang malapit lang at nais muling makapaglaro ng CardMon Hero, punta na sa SM Marikina.

Monday, November 22, 2010

Ano nga ba ang CardMon Hero?

Bilang pinakaunang post sa blog na ito, nais kong liwanagin muna kung ano ang CardMon Hero, kung sakali mang naligaw lang kayo rito sa blog na ito at hindi alam kung ano ito.

Ang CardMon Hero ay isang MMORPG o isang online game na kung saan may mga tao kang kasabayan mong naglalaro. Sa larong ito, ikaw ay gagawa ng isang karakter o tao na kokontrolin mo sa pakikipaglaban sa ibang mga halimaw.



Ito ang seleksyon. Tulad ng makikita, maraming mapagpipiliang kasuotan at kagamitan para sa iyong karakter. Pumili lamang ng itsura at ng sandata na iyong napupusuan. Sa aking pagkakaalala, maraming sandatang pwedeng pagpilian tulad ng espada at kalasag, MALAKING espada, pana at palaso, baston, at iba pa.


Sa lahat ng nakapalaro na ng iba pang MMORPG, ang kaibahan ng CardMon Hero sa karaniwang MMORPG ay ang kakayahan ng karakter mo na magtawag o magsummon ng mga kakampi gamit ang mga nakuhang cards o baraha. Narito ang isang screenshot ng paglaban ko kasama ang isang "Gaal" at dalawang "Spearman."



Sa kabuuan, ang CardMon Hero ay isang bagong MMORPG na nagbibigay sayo ng kakayahang magpatawag ng mga kakampi sa labanan.