Tulad ng ibang MMORPG, ang iyong karakter sa CardMon Hero ay makokontrol sa pamamagitan ng paggamit ng mouse at keyboard. Narito ang isang simpleng guide tungkol sa paggalaw ng iyong karakter.

Maaaring gamitin ang mouse sa pagpapagalaw ng iyong karakter. Ituro lamang ang lugar na gustong puntahan at pindutin ang kaliwang pindutan ng mouse. Kung gusto namang palitan ang tingin ng kamera, igalaw lamang ang mouse habang nakapindot sa kanang pindutan.
Kung ang inyong mouse ay may naiikot na pindutan sa gitna, katulad ng nasa larawan, maaari itong gamitin upang palapitin o palayuin ang tingin ng kamera.
Para naman sa keyboard, narito ang isang larawang makatutulong para matandaan kung anu-ano ang mga dapat pindutin kapag naglalaro.

Ang W,S,A, at D, ay maaari ring gamitin upang paggalawin ang iyong karakter paharap, pakaliwa, pakanan, at palikod. Gamitin ito kung mas komportable kayong gumamit ng keyboard kaysa sa mouse.
Gamitin ang spacebar kung nais kumuha ng mga items o kagamitan na nahuhulog ng mga napapatay na halimaw.
Pindutin ang letrang "Q" kung gustong mong atakihin ng iyong karakter, at ng iyong mga kakampi, ang kalaban. Maaari rin itong gawin gamit ang mouse sa pamamagitan lamang ng pagpindot ng dalawang beses sa halimaw na gustong atakihin.
Pindutin ang "E" kung ang nais lamang palusubin ay ang mga kakampi mong halimaw.
Pindutin ang "R" kung gusto mong tumigil sa pag-atake ang mga kakampi mong halimaw.
At huli, pindutin ang "T" kung nais ipawalang bisa ang mga kakamping halimaw. Sila ay mawawala kapag pagkatapos nito.